top of page

Pikon

  • Writer: Mary Ompad
    Mary Ompad
  • Sep 13, 2021
  • 2 min read


“Ang katotohanan ay katotohanan parin kahit na walang naniniwala rito. Ang isang kasinungalingan ay kasinungalingan parin kahit na lahat ay naniniwala rito.” -W. Clemont Stone

Bilang mga tao, tayo ay mayroong mga minimithi at pagnanasa, sa puntong gagawin natin ang lahat upang makamit ang mga ito. Pero, imposible na maiiwasan natin ang mga pagkakataon na hindi natin makukuha lahat ng ating mga hinahangad. Ito ang totoo, at ito ay masakit. Kaya nadudurog ang ating mga hinahangad dahil sa pagkabigo at sa pagsisisi na humahantong sa atin na humawak sa mga kasinungalingan at kamangmangan.


Sa konteksto ng Pilipinas, ang kasinungalingan at kamangmangan ay pinaka laganap sa ating bansa. Ito ba ang dahilan kung bakit napakahirap para sa atin na harapin ang katotohanan? Kapag mayroong hindi sang-ayon sa ating paniniwala ay tinatakwil natin ang katotohanan at pinapaniwalaan lang ito. Kaya ito ay bumubunga ng mas malaki pang mga problema sa lipunan. Upang magbigay ng mga halimbawa ay ang mga iba’t-ibang ideolidad sa ating mga Pilipino na nag sanhi ng mga marami-raming debate at kaguluhan. Halimbawa ay ang DDS o Diehard Duterte Supporters, isang grupo ng mga tao na dinedepensahan ang pangulo bilang isang “necessary strongman” ng bansa. Sa kabilang palad, maraming Pilipino ang hindi sang-ayon at kinukutya pa ang mga taong galing sa grupo na ito dahil sa mga maling impormasyon tungkol sa sitwasyon ng ating bansa. Ito rin ang sanhi ng pagkapikon ng maraming Pilipino. Sa totoo lang, sa anumang isyu, kapag tayo ay tinatawagan ng pansin para sa isang maling bagay na sa tingin natin ay tama, nagiging pikon tayo at mas pinalalala pa ang sitwasyon. Ilan sa atin ay mayroong mga napakakitid na mga utak kaya ito siguro ang rason kung bakit ang iba ay lumalayo na sa katotohanan. Ang mga problema ay hindi nasasagot at ang tunay na ugat ng mga isyu ay hindi pinagtutuunan


Sa pamamagitan ng pagharap sa katotohanan na mayroong bukas na isip, malakas na pagnanasa at malinaw na mga aksyon para sa mabuting pagbabago ay mas makakatulong at epektibo para sa atin at sa nayon. Sa kabilang palad, oo, hindi natin maiiwasan na maligalig at mapagod sa mga nakakadismaya na katotohanan na binabato sa atin, ngunit ito ay magiging pagkakamali natin na hayaan ang mga ito na lamunin tayo at tumigil sa atin na gawin ang tama.


prime (1).png

Prime Magazine - Ateneo de Cebu

Copyright 2019 - 2023. All rights reserved.

'23 Series Build 18.07. Stable.

  • Facebook
  • Instagram
bottom of page